.

.

Monday, March 25, 2013

Honda TMX Supremo—patok sa mga tricycle driver

Natapos kamakailan ang “Honda 100K Challenge,” ang kauna-unahang test-driving challenge sa bansa kung saan naging tampok ang mga tricycle driver at mga “TODA” (tricycle operators and drivers association) sa ilang bahagi ng Pilipinas.

Ang kakaibang event na ito na sinimulan ng Honda Philippines, Inc. (HPI) noong Nobyember 2012 at inabot ng halos 2 buwan bago matapos, ay sinalihan ng higit sa 100,000 mga tricycle driver mula sa mga TODA sa iba’t-ibang probinsiya sa buong Luzon at maging sa iba pang lugar sa Visayas at Mindanao. Lahat sila ay nag-test drive ng Honda TMX Supremo para malaman kung paano ito sasagupa sa mga pang-araw araw na kondisyon sa pagmamaneho at klase ng kalsada.

100K Toda Riders

At base sa kanilang reaksiyon, lahat ay nasiyahan at marami ang nagsabing bibili sila ng Honda TMX Supremo upang mas makatipid at masiguro ang mas malaking kita.

Si Mang Erning Manalo, 43 anyos mula Laguna at isang tricycle driver na sa loob ng mahigit 20 taon, ay Masaya tungkol sa Honda TMX Supremo. “Ito ang klase ng motorsiklo na gusto ko—madaling imaneho at tiyak magugustuhan ng mga tricycle driver sa lugar namin. Matibay at madali i-maintain kaya wala akong problema sa kalsada.”

Si Mauricio “Isyong” Tolanes, nagdedeliber ng liquefied petroleum gas (LPG) gamit ang motorsiklo, ay nagulat dahil madali palang gamitin ang Honda TMX Supremo. “Akala ko ay mabagal dahil medyo malaki, pero mabilis pala ito at mas maaasahan sa kalsada. Naging mas madali ang pagdedeliber ko dahil madali akong nakakabalik sa tindahan para kumuha pa ng ibang idedeliber. Masaya ako at lalo na siyempre ang amo ko,” Tolanes said.

“Ginusto talaga namin na ang mga tricycle driver, ang mga ‘Bossing ng Kalsada,’ ang mismong maka-experience sa mga benepisyo ng mas pinalakas na Honda TMX Supremo at paano ito makakatulong sa kanilang hanapbuhay bilang tricycle driver, na mas makakatipid at mas malaki ang kita na maiuuwi para sa pamilya. Kapag Honda ang gamit nila, sigurado sila na ang kanilang motorsiklo ay mas matatag at kayang sagupain ang anumang hamon ng kalsada dahil ito ay mas mabilis at mas maaasahan,” wika ni Dennis Restor, Sales and Marketing Manager, Honda Philippines, Inc.

Para sa kahit anong hamon ng kalsada, ang Honda TMX Supremo ang siyang maghahari dahil ang proven road workhorse na ito ay mas pinalakas at pinahusay pa para mabigyan ang Pinoy motorcycle driver ng isang malakas, matatag, mabilis at mas maaasahan na motorsiklo.

100KRideblack

Dahil ang target ay motorcycle driver na gusto laging nasa maayos na kondisyon ang kanilang motor, ginawa ng Honda ang bagong TMX Supremo na mas angat sa iba gamit ang superior engine technology upang maghari sa 150cc class. Ang bagong Honda TMX Supremo ay may world-class engine specification na dinebelop, tinesting at in-adjust ng Honda Research and Development upang masagot ang mga pangangailangan ng mga Pinoy motorcycle driver na makatipid sa gastos sa engine maintenance at mas lumaki pa ang kita.

Una sa lahat ay convenience ang handog ng Honda TMX Supremo sa mga tricycle driver, lalo na sa mga gumagamit nito pang-hanapbuhay. Mayroon itong electric at malambot na kick starter para siguradong walang palya ang timing at mas swabe ang pag-start ng makina, at may “Easy Access Choke Control” din kaya mas mabilis ang pag-start kahit matagal nakatigil o hindi umaandar ang makina.

Dahil sa 4-stroke, OHC, air-cooled engine nito na may 7,000rpm power at 5,000rpm na torque, siguradong mas malakas ang hatak kaya walang katapat ang performance sa kalsada. At dahil sa 5-speed, constant mesh manual transmission nito, walang problema sa performance dahil sa Honda TMX Supremo, sure ang gaan ng pagmamaneho, mas mabilis at mas matipid pa sa gas.

ang bagong TMX supremo

Aangat din ang Honda TMX Supremo pagdating sa komportableng biyahe dahil sa “Telescopic Fork front suspension” at “Twin rear suspension” nito, pati na ang malaking 1306mm wheelbase at 771mm seat height kaya komportable ang sasakay dito, lalo na sa mga mahahabang biyahe.

Dahil sa mga “superior product feature” na ito ng Honda TMX Supremo, sigurado ang “durability,” “power,” “convenience,” at “comfort.”

Tanungin lang ang mga tricycle driver at TODA at sila na mismo ang magsasabi kung anong klaseng motorsiklo ang Honda TMX Supremo.

Para sa iba pang detalye tungkol sa mas matatag, mas komportable at mas maasahan na Honda TMX Supremo, magpunta lamang sa kahit saang Honda authorized 3S shop dealer o tumawag sa 1-800-10HONDAPH (4663274) o mag-email sa customerservice@hondaph.com. I-“LIKE” din ang Honda Philippines, Inc. Facebook page (Honda Motorcycles Ph) o bumisita sa Website: www.hondaph.com.

No comments:

Post a Comment